Japanera…

Haggardness ako today.  Pagkadating ko ng office, checked ko ang calendar ko at may 7:00 A.M. ako na awareness campaign.  Paano kaya yon di pa ako nagkakape no.  Tapos, 9:10 naman sinama ako sa kachuchuan na survey daw or interview with the Consultant.  Pero paano na ang lingguang meeting namin na management meeting.  Kalurkey talaga.

Heto na nga, kinudaers ko kay Amostra na di na ako aatend ng meeting nya at gogorachi ako don sa survey, sagot nya ba naman ng Raja, Uripon kailangan ba yan, sabi ko oo daw dahil isa ako sa napili sa random selection na magre represent ng departamento natin hmp.  Pigilan ba.  Disappear talaga ako at binaybay ko ang Main Conference sa Administration Building namin, naku po kasawiang palad walang company bus na masakyan from planta papunta sa Admin. Bldg.  Ayaw ko naman gumamit ng pool car.  Di ako sanay magmaneho ng caruray ng 40 km/hr lang, choz!  Kaya ayun, oiliness next to ugliness talaga ako, buti sana kung isa akong Sitsiritsit or Vietnam rose na paborito ang mga ganong oras no, oras ng kanilang pamumukadkad, char!

Actually kaya lang naman ako nagpaka Pilita Corales na atenan ang survey na yon dahil nanawa ako sa meeting namin na kada lingo na lang at dalawang oras talaga kakaumay as in, gravityyyyy!

Pagdating ko sa Main Conference nagsi alisan na raw mga unang batches dahil wala pa raw ang Consultant.  Heto na dumating na nga at ginawa na lang kami sa dalawang grupo.  Ewan kung Amerikano or Briton ba yon pero medyo nakaramdam ako ng nerbiyos bigla at para akong napapa Evakalaw tuloy hehe.

Nakaraos din ang ka echusan na interview ewan sa nerbiyos ko at gutom kung naintindihan nila sinagot ko, queber na lang.  Tinignan ko orasan, 10:14 na, deretso na ako sa work station ko ayun nagmi meeting na mga tao sa amin.  Pumasok ako at sabi ni amo it’s good naka abot daw ako, tse!  Buti na lang konti lang mga Attendees dahil nasa business trip iba at mga leave so wala masyado diskusyon, tanungin nya ako any concern sabi ko no, ok lahat.

Lunch time, di na ako naka order sa cafeteria namin at kahit tatawag pa ako for sure sarado na at wala ng sasagot sa ganung oras dahil busy na sila lahat sa cafeteria.  Ayaw ko naman ulit bumalik don sa Admin, lokasyon ng Cafeteria, hello sayang ang moisturizer na nilagay ko, buti na lang heto na, nadatnan ko na ang bago naming empleyado na Hapon, may pasalubong siya kay Amo na ewan ano tawag dito, ayan sa picture, lalagyan na lang inabot ni amo nilantakan na nya.  Sa totoo lang xooper like ko yan, lagi nagdadala mga Hapon pag may Technical Meeting kami kaso isa lang binibigay na sa sobrang Patty Bitina ko minsan eh talagang nagpabili ako sa Hapon ng magbakasyon siya at kinuha nya talaga bayad, doon ko napatunayan na Korina Sanchez mga Hapon sabagay di naman lahat siguro parang mga Pinoy din yan may Galantina Fabulosa, may Korina.  Pero ang packaging talaga grabeh as in ganda, safe na safe ang food di tulad sa atin minsan balutin lang sa papel.

Ayun nabusog naman at nakaraos kaso bandang alas tres ramdam ko na ang gutom ulit kaya halos habulin ko ang oras sana alas kwatro na at uwian na. 

Kaya heto dahil pagod sa kasasayaw ang lola, feeling ko daig ko pa talaga ang Japanera sa kayod today, alangan naman magpaka Juday pa ako sa pagluluto, kaya buylabels na lang akechi ng lafs sa mga resto noh, kaso sa haba ng pila kahit anon a lang orderin keri na….ay buhay, di naman tumigil sa kasasayaw pero di pa rin yumaman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s